“Exotics Birds for Sale, Child Rescue at Astang Attorney” 1

EXOTIC BIRDS FOR SALE

Sa isang lugar sa Maynila, may lihim daw na pilit na ikinukubli. May bodega raw kasi rito na bagsakan ng mga ibon na kabilang na sa endangered at threatened species. Ayon sa impormante ng Imbestigador, galing sa kagubatan ng Pilipinas at mayroon ding imported pa na ibinebentang mga ibon.

Bawal ang pagbebenta ng mga ibon na kabilang sa listahan ng endangered at threatened species. Kaya naman sa pinagsanib na puwersa ng Imbestigador, National Bureau of Investigation, at Protected Areas and Wildlife Bureau ng DENR, isang operation ang ikinasa para sagipin ang mga ibon at panagutin ang may sala.

CHILD RESCUE

Mabilis na nakarating sa Imbestigador ang sumbong ni “Joy”, ina ng pitong taong gulang na si “Michael”. Makailang beses daw kasing pagbuhatan ng kamay ang kanyang anak ng mismong ama nito. Tinutukan pa raw ng kutsilyo at pinukpok ng hanger si “Michael” ng amang Pakistani.
Handa nang ipaglaban ni “Joy” ang karapatan ng kanyang anak na makalaya sa di-umano’y pang-aabuso kung kaya sa Imbestigador siya humingi ng saklolo. Nang malaman ng City Social Welfare and Development Office ng Antipolo at ng pulisya ang kuwento, agad silang umaksyon para sagipin si “Michael”.

Abangan ang maaksyon at madamdaming mga tagpo ngayong Sabado!

ASTANG ATTORNEY

Nakilala ni Dina si Joy bilang isang secretary diumano ng nagngangalang Atty. Baldoza. Si Attorney daw ang tutulong kay Dina para mawakasan na ang problema niya sa lupa. Pero si Joy, nagduda matapos na hindi ipakita sa kanya ang mga papeles ni inaayos daw nitong si Atty. Baldoza. Kaya naman nag ala Imbestigador siya at dito niya nalaman na si Attorney, hindi pala tunay na abogado!

Wawakasan na ng Imbestigador ang pagpapangap ng pekeng abogado. At ang magiging taga- usig niya sa kakaharaping kaso ay ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Division ng Camp Crame.

JOIN OUR NEWSLETTER
Join over 8.500 visitors who are receiving our newsletter and learn how to optimize the quality of your birds life on a daily basis...
We hate spam. Your email address will not be sold or shared with anyone else.